_

_

Advanced engineering insights for maintaining a safe, efficient, and code-compliant electrical system at home or in the office.

Advice from the KOHMZ Professional Team

1. Panel Board Load Evaluation

Flickering lights kapag bumukas ang aircon? Maaaring undersized ang inyong panel. Ang professional load evaluation ay sumisiguro na ang inyong breakers ay akma sa inyong power consumption para maiwasan ang overheating.

2. Dedicated Circuit Rule

Ang mga heavy appliances gaya ng AC, Water Heaters, at Pumps ay dapat may sariling "Dedicated Circuit." Ang pagsasama ng mga ito sa ordinaryong outlets ay maaaring magdulot ng wire melting at sunog sa loob ng dingding.

3. Sparking Outlet Diagnostics

Ang sparking outlet ay madalas senyales ng loose connection o arc-fault. Kapag nakakita ng sparks, i-off agad ang breaker. Ang loose wiring ay lumilikha ng high resistance na nagdudulot ng matinding init.

4. Insulation Resistance (Megger Test)

Hindi nakikita ang mga hidden micro-shorts. Sa KOHMZ, gumagamit kami ng Megohmmeter para i-test ang wire insulation. Sinisiguro nito na walang sira ang mga kable sa loob ng inyong conduits.

5. GFCI in Wet Areas

Ang mga outlet malapit sa lababo, banyo, o labas ng bahay ay DAPAT GFCI-protected. Kusa nitong pinuputol ang kuryente sa loob ng milliseconds kapag may na-detect na ground fault para maiwasan ang fatal shock.

6. Surge Protective Devices (SPD)

Ang voltage spikes mula sa kidlat o grid ay maaaring sumira sa mamahaling gamit gaya ng Inverters at Smart TVs. Ang Panel-Level SPD ay nagsisilbing safety valve na nagtataboy ng excess voltage sa ground.

7. Proper Grounding (Earthing)

Ang 3rd pin sa inyong plug ay para sa inyong kaligtasan. Ang tamang grounding system ay nagbibigay ng daan para sa fault current. Kung wala ito, ang mga metal na parte ng gamit niyo ay maaaring maging "live" at makakuryente.

8. Extension Cord Safety

Ang extension cords ay temporary solution lamang. Ang daisy-chaining ay malaking fire hazard. Kung kulang ang saksakan, mas mainam na magpa-install ng bagong wall receptacle.

9. LED Retrofitting Benefits

Ang paglipat sa LED ay hindi lang para sa tipid sa kuryente. Mas malamig tumakbo ang LEDs. Nababawasan nito ang init sa inyong fixtures, kaya mas tumatagal ang buhay ng wire insulation.

10. CAD Electrical Drawings

Huwag magsimula ng renovation nang walang Electrical Plan. Ang CAD drawings at Load Schedules ang blueprint ng inyong system, kaya mas mabilis at mas mura ang troubleshooting o expansion sa hinaharap.

Load & Monthly Cost Calculator

Amperes (Load)0.00 A
Monthly kWh0.0 kWh
Est. Monthly Cost₱ 0.00

Experiencing electrical issues?

Don't wait for a system failure. Contact our engineering team for professional diagnostics and immediate hazard mitigation.